Ito Ang Confessions cover art

Ito Ang Confessions

Ito Ang Confessions

By: LTG Podcast Network Philippines
Listen for free

Iba't ibang kwento ang inyong matutunghayan. Samahan si LaroTayoGaming na basahin ang inyong liham na pinadala ninyo dito lang 'yan sa Ito ang Confessions. Mga kwento mo, babasahin ko. Gusto mo bang mag-padala ng inyong confession? Mag-email lang sa confessions@ltg.network o pumunta sa https://ltg.network/confessions para sa buong detalye!

LTG Podcast Network Philippines
Social Sciences
Episodes
  • EP004: "THE OTHER ME" - Yukine_Kawaii's Confession
    May 30 2026

    TRIGGER WARNING: MENTIONS OF SU**IDE

    Naranasan mo na bang hindi maintindihan ng karamihan mula pa noong bata ka, nahihirapang magsalita at makipag-communicate habang ang iba ay napakadaling gawin ito? Ginusto mo lang naman magkaroon ng kaibigan, pero bakit pandidiri at kawalan ng interes ang isinukli nila sa'yo?

    Kapag ginawa mo na ang lahat para ma-acknowledge ka sa pamamagitan ng iyong mga talento, anong mangyayari sa puso mo kapag puro panghuhusga at kritisismo lang ang natanggap mo sa harap ng maraming tao? Susuko ka na lang ba at pipiliing mag-isa sa isang tahimik na sulok habang nanonood ng anime?

    Pero sa kalungkutang iyon, posible nga bang madiskubre mo ang isang ibang bersyon ng iyong sarili na naghihintay makawala sa loob ng online na mundo? Mas matuturing mo ba talagang pamilya ang mga hindi mo kilalang tao mula sa isang laro kaysa sa mga taong nakakasama mo sa personal araw-araw?

    Posible bang magkaroon ng perpektong buhay bilang isang sikat na streamer online, habang palihim kang nalulunod sa bigat at pressure ng iyong pag-aaral at totoong buhay? Kapag ang mga trauma ng nakaraan at ang sakit ng pagkabigo ay nagmetra sa'yo sa sukdulan para saktan ang sarili mo, sino ang magmamakaawa sa'yo na tumigil at magpapaalala na kailanman ay hindi ka naging pabigat?

    Makakatulong ba ang pagtuklas sa tunay mong boses upang kayanin mo ang lahat ng sakit? At sa huli, ang paghahanap ba sa lugar kung saan ka tunay na nabibilang ay tuturuan kang magpatawad, maghilom, at higit sa lahat, mahalin ang iyong sarili?

    Mga ka-lamaw, fellow gamers, ito po ang confession ng isa sa aking kaibigan sa pagsi-stream, na si Yukine_Kawaii_.

    ---------------

    Iba't ibang kwento ang inyong matutunghayan.

    Samahan si LaroTayoGaming na basahin ang inyong liham na pinadala ninyo dito lang 'yan sa Ito ang Confessions.

    Mga kwento mo, babasahin ko.

    Gusto mo bang mag-padala ng inyong confession?

    Mag-email lang sa confessions@ltg.network o pumunta sa https://ltg.network/confessions para sa buong detalye!

    "Ito ang Confessions" is also available as a podcast!

    https://pod.link/1896095513

    Show More Show Less
    1 hr and 30 mins
  • EP003: "FIRST, THEN GOODBYE" - Rizel's Confession
    May 23 2026

    Have you ever experienced fate crashing into your life when you least expected it?

    Have you ever bumped into a complete stranger on a completely ordinary day, only to realize later that your entire world was about to change?

    Can you remember a time when the simplest moments—

    Like sharing a simple meal, surviving late-night school projects, or just sitting together in comfortable silence—

    Suddenly felt like the grandest kind of love?

    Have you ever looked at someone and felt yourself falling harder every single day?

    Did you ever hold onto a connection so deeply that you truly believed the two of you had all the time in the world?

    But what happens when an unstoppable feeling meets the unpredictable turning points of life?

    Are some people meant to enter our lives to stay forever, or do they arrive simply to change us forever?

    Mga ka-lamaw, fellow gamers, this is Rizel’s confession.

    Show More Show Less
    25 mins
  • EP002: “LAST OPTION.” - Triz's Confession
    May 9 2026

    Minsan sa buhay natin, may mga tanong tayong pilit ibinubulong na lang sa hangin... dahil natatakot ba tayong harapin ang totoo nitong sagot?


    Naranasan mo na ba 'yung pakiramdam na nandiyan ka lang dahil kailangan ka nila? 'Yung tipong hindi ikaw ang unang pumapasok sa isip nila, kundi ikaw na lang ang huling opsyon nila? Masakit, 'di ba? Masakit isipin na minsan, ang pagiging "maaasahan" natin ang siya pang rason kung bakit tayo ay nagiging huling opsyon. "Saling pusa" kung tawagin nila.


    'Yung ibibigay mo 'yung oras mo, 'yung pagod mo, 'yung talento mo... pero sa likod ng isip mo, alam mong hindi naman talaga ikaw ang unang pinili. Ikaw lang ang convenient. Ikaw lang ang... pwede na. Hanggang kailan ka magiging "placeholder" sa kwento ng iba? Kailan mo ba mararanasan na ikaw naman ang piliin nang walang pag-aalinlangan?


    Mga ka-lamaw, fellow gamers, ito ang confession ni Triz.

    Iba't ibang kwento ang inyong matutunghayan. Samahan si LaroTayoGaming na basahin ang inyong liham na pinadala ninyo dito lang 'yan sa Ito ang Confessions. Mga kwento mo, babasahin ko.Gusto mo bang mag-padala ng inyong confession?Mag-email lang sa confessions@ltg.network o pumunta sa https://ltg.network/confessions para sa buong detalye!Ito ang Confessions is also available as a podcast!

    https://pod.link/1896095513

    Show More Show Less
    30 mins
adbl_web_anon_alc_button_suppression_t1
No reviews yet